TAIWANESE PATAY SA AMBUSH SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang isang Taiwanese national matapos barilin ng riding in tandem sa isang restaurant sa San Pablo City noong Sabado ng umaga.

Ayon sa ulat ng San Pablo CPS, kinila ang biktimang si Hsien Chieh Chang, 63, residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas -7:00 ng umaga, ang biktima ay nakatayo sa labas ng receiving area ng isang restaurant sa Brgy. Del Remedio, nang dumating ang dalawang hindi kilalang riding in tandem.

Lumapit umano ang isa sa mga suspek at nagpakilalang ahente ng LPG at pinagbabaril ang biktima.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod ang biktima San Pablo City District Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Patuloy na inaalam ng mga pulis ang motibo sa pagpatay sa biktima, at nagsagawa ng dragnet operation para matunton ang mga suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

146

Related posts

Leave a Comment