TAIWANESE TIMBOG SA TELCO FRAUD

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted sa kanilang lugar dahil sa pagkakasangkot sa telecommunications fraud.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang puganteng Taiwanese na si Shan Yu-Hsuan, 40, nadakip sa F.B. Harrison St., Pasay City, ng mga operatiba ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU).

Naaresto si Shan sa pamamagitan ng mission order dahil sa kahilingan ng gobyerno ng Taiwanese na humingi ng deportation order para maparusahan ang suspek sa kanilang lugar.

Ayon sa rekord, Oktubre 10, 2019 nang dumating sa bansa si Shan at maituturing na itong overstaying.

Inilabas ang warrant of arrest sa suspek noon pang Marso 25, 2019 ng Ciaotou District Court sa Kaohsiung.

Inakusahan itong nagpapatakbo ng isang call center outfit sa Taiwan na sangkot sa voice phishing.

Si Shan ay nakadetine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang hinihintay ang kanyang deportation proceeding.

(JOCELYN DOMENDEN)

93

Related posts

Leave a Comment