TANGKANG PAGKIDNAP SA CHINESE, NABOKYA

LAGUNA – Nailigtas ang isang Chinese national sa tangkang pagkidnap ng hindi kilalang mga kalalakihan sa bayan ng Cavinti sa lalawigang ito noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng Cavinti Police ang biktimang Chinese national na si Jiang Yong Lu.

Batay sa report ng pulisya, bandang alas-7:45 ng gabi, nagtungo ang biktima at ang kanyang driver na si Alejandro Ravena Jr., sa Eco Saddle Hotel sa Brgy. West Talaongan ng naturang bayan upang makipagkita sa umano’y kausap nito roon.

Ngunit pagdating sa hotel, pinipilit umano ng mga dinatnan nilang kalalakihan na isakay sa isang hindi natukoy na sasakyan ang Chinese.

Ngunit napansin ng kapatid ng mayor ng Cavinti na kinilalang si Anjo Oliveros, at ng ilang pang bystander ang kaguluhan.

Nagkaroon ng putukan ng baril hanggang sa tumakas ang mga kidnapper at iniwan na lamang ang biktima.

Nasa pangangalaga na ang biktima ng Cavinti Police habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente at inaalam ang posibleng motibo ng mga suspek sa tangkang pagdukot sa Chinese national. (CYRILL QUILO)

76

Related posts

Leave a Comment