TANKER AT KOTSE NAGSALPUKAN; TITSER PATAY, 3 SUGATAN

BATAAN – Nalagutan ng hininga ang isang babaeng guro habang tatlo pa ang nasugatan matapos na salpukin ng isang fuel tanker truck ang isang kotse  sa Roman Hi-way, Barangay Dona, sa bayan ng  Orani sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ng Orani Police ang namatay na si Aileen Dulay, 31, residente ng bayan ng Mariveles, at isa sa mga sakay ng kotse.

Dead on the spot ang biktima dahil sa grabeng pinsalang sa iba’tibang bahagi ng katawan.

Sugatan naman ang tatlo pa nitong kasama na pawang isinugod sa Jose Payumo Memorial Hospital ng nagrespondeng rescue team ng Metro Bataan Development Authority.

Ikinustodiya naman ng Orani Police ang driver ng tanker truck.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari. (NILOU DEL CARMEN)

39

Related posts

Leave a Comment