TARGET BOOSTER SHOT NG DOH 30% NA LANG

IBINABABA sa 30% fully-vaccinated Filipinos ang target ng Department of Health (DOH) para sa unang 100 araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Due to the pace at which our booster vaccination is going, we have adjusted our target only for the first 100 days (Oct. 8) to 30%,” ayon kay DoH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.
Ngunit nananatili naman umano na 50% pa rin ang target nila na mabakunahan sa katapusan ng 2022.

“In fact, some regions such as NCR have already achieved our target of 50% booster vaccination coverage,” saad pa ni Vergeire.

Sa kabila ng pagbaba sa target hanggang Oktubre 8, hindi umano nangangahulugan na magpapabaya na sila sa kampanya at magkakasya na lamang sa 30%. Pagtiyak ng ahensya, dinodoble na nila ang kanilang kampanya para maabot ang target sa pamamagitan ng ugnayan sa iba’t ibang sektor at pagbibigay ng insentibo sa mga magpapa-booster.

“Kaya magtulong-tulong po tayo dito, let us all get boosted and let us encourage everyone we know to get boosted as well so we can protect the people we love and successfully transition to the new normal,” ayon pa sa opisyal. (RENE CRISOSTOMO)

Related posts

Leave a Comment