TILAPIA FINGERLINGS IPINAMAHAGI SA VALENZUELA

NAMAHAGI ang Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng lagpas sa 280,000 tilapia fingerlings sa Valenzuela City.

Tatlumpung fishpond owners sa Barangay Tagalag, ng lungsod ang nabiyayaan ng nasabing fingerlings.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng fingerling enhancement program ng BFAR.

Layon nitong madagdagan ang huling isda sa bansa at bigyan ng dagdag na pagkakakitaan ang mga mangingisda. (ALAIN AJERO)

5

Related posts

Leave a Comment