TIMBANGAN NG BAYAN BATAS NA

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magtatatag ng Timbangan ng Bayan centers sa public at private markets para protektahan ang mga mamimili mula sa mapanlinlang at “unfair sales acts and practices.”

Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang RA 11706, noong Abril 13, nag-aamyenda sa Chapter II, Title III ng RA 7394 o mas kilala bilang Consumer Act of the Philippines.

Sa ilalim ng bagong batas, inaatasan ng Article 62-A ang lahat ng provincial, city, at municipal governments na magtayo ng accessible Timbangan ng Bayan Centers sa lahat ng public at private markets, kabilang na ang mga supermarkets, at kapag naisagawa na ay sa mga flea markets o tiangges at grocery stores, sa loob ng kani-kanilang lokalidad.

Nakasaad pa rin sa batas na ang market supervisor ang siyang magiging “in charge” sa pangangalaga at routine maintenance ng Timbangan ng Bayan at magiging responsable sa pagpapanatili ng rekord ng bawat produkto na matutuklasang “deficient” o kulang sa bilang o timbang at substandard sa dimension, at maging sa establishment kung saan parehong binili ang produkto kabilang na ang “name/s of the proprietor/s or manager/s.” (CHRISTIAN DALE)

126

Related posts

Leave a Comment