TINEDYER PATAY, 1 SUGATAN SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO

patay

LUCENA CITY – Patay ang isang 16-anyos na binatilyo habang sugatan naman ang angkas nito nang ang sinasakyan nilang motorsiklo ay sumalpok sa poste ng kuryente sa Brgy. Ibabang Dupay sa lungsod na ito, nitong Huwebes ng umaga.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Darren Menchero, residente ng Cotta, Lucena City, dahil sa pinsala sa ulo at leeg.

Sugatan naman ang backrider nito na si Angelo Pedragosa, 20, residente ng Barangay Mayao Silangan.

Batay sa report ng Lucena PNP, dakong alas-5:00 ng umaga nang sumalpok ang motorsiklong sinasakyan ng dalawa sa isang poste ng kuryente sa center island ng highway.

Ayon sa imbestigasyon, galing sa matalim na kurbada ang motorsiklo kaya nawalan ito ng kontrol.

Kapwa walang suot na helmet ang dalawa na galing umano sa isang party at nakainom nang mangyari ang insidente. (NILOU DEL CARMEN)

9

Related posts

Leave a Comment