TIRADOR NG MOTORSIKLO ARESTADO SA CAVITE

CAVITE – Arestado ang isang lalaki nang mamataan habang minamaneho ang isang nakaw na motorsiklo sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi.

Nahaharap sa kasong Anti-Fencing Law ang suspek na si John Clark Esteban, nasa hustong edad, dahil sa reklamo ni Oliver Molito y Carovan, nasa hustong edad.

Ayon kay Molito, dakong alas-10:00 ng gabi nang makita niya ang kanyang motorsiklong Mio Sporty na may conduction sticker na 041-00001090066 habang minamaneho ng suspek sa Zapote 5, Bacoor City, Cavite.

Bunsod nito, humingi ng tulong si Molito kina Dixter Ronquillo Tabangay at Antonio Villaruel y Sapungan, kapwa barangay tanod ng Zapote 5, Bacoor City, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nabatid na ang nasabing motorsiklo ay iniulat na nawawala at pinaniniwalaang ninakaw noong Enero 26, 2023. (SIGFRED ADSUARA)

32

Related posts

Leave a Comment