TOKHANG 2.0 NAGBABADYA

pulis

POSIBLE umanong ibalik ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang Oplan Tokhang na ipinatupad noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, masusing pag-aaralan ng PNP ang mungkahing pagbabalik ng Oplan Tokhang sa bansa.

Kasunod ito ng mga suhestiyon ng ilang mambabatas sa layuning mas paigtingin pa ang kampanya ng pulisya kontra ilegal na droga matapos ang umano’y muling paglaganap nito sa bansa.
Kasamang pag-aaralan ng mga awtoridad ang magaganda at best practices ng campaign against illegal drugs ng nakalipas na administrasyon saka titimbangin kung makabubuti ang pagbabalik nito.

Sa naturang pahayag ay inamin din ni Fajardo na naging generally effective ang Oplan Tokhang sa nakalipas na mga taon.

Ang tiyak umano ay magkakaroon na ng safety measures sakaling muling ipatupad ito ng pulisya upang maiwasan ang lapses at pag-aabuso ng ilang police personnel. (JESSE KABEL RUIZ)

30

Related posts

Leave a Comment