TOLENTINO PAPALITAN NG ABOGADONG SENADOR

KINUMPIRMA ni Senate President Juan Miguel Zubiri na pinag-uusapan na nila ang posibleng pumalit kay Senador Francis Tolentino bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sa gitna anya ito ng pakikipag-usap sa kanya ni Tolentino at sinabing dahil sa magiging abala siya sa kampanya para sa kanyang reelection bid ay posibleng hindi na niya magampanan ang pagiging chairman ng kumite.

Pinayuhan naman ng senate leader si Tolentino na huwag itong gawin dahil maituturing itong abandonment of work.

Gayunman, kung desidido anya ang senador na bitawan ang chairmanship ay dapat niya itong gawin sa plenaryo upang maideklara itong bakante at saka magbotohan.

Kabilang anya sa mga pinagpipiliang pumalit kay Tolentino ay sina Senators Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Sonny Angara at Chiz Escudero.

Una rito, kinumpirma ng ilang sources na naghakot na ng mga gamit ang mga tauhan ni Tolentino sa tanggapan ng Senate Blue Ribbon Committee.

(Dang Samson-Garcia)

166

Related posts

Leave a Comment