TOMANDA CRIME GROUP NABUWAG

PINANINIWALAANG nabuwag na ang notorious na Tomanda criminal group matapos na madakip ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pinuno at 2 miyembro ng sindikato sa ikinasang police operation sa sa Sultan Kudarat.

Kinilala ni PNP-CIDG Director P/BGen. Ronald Lee ang nadakip na lider ng grupo na si Norylyn Delos Reyes Tomanda, no.8 provincial most wanted person ng Sultan Kudarat.

Kasama sa nadakip ang dalawang tauhan nito sina Jeve Delos Reyes Tomanda, no.10 provincial MWP ng Sultan Kudarat, at Jenelyn Piedraverde Maquidato, no.9 provincial MWP ng Sultan Kudarat.

Sa record ng PNP-CIDG, sangkot ang Tomanda criminal group sa swindling, investment scams, at iba pang ilegal na aktibidad, at nag-o-operate sa Tacurong City, Isulan, Bagumbayan, Sultan Kudarat at kalapit na probinsya. (JESSE KABEL RUIZ)

29

Related posts

Leave a Comment