TOP 4 MOST WANTED PERSON, NASILAT

ARESTADO ang isang ginang na top 4 most wanted person sa kasong ilegal na droga, sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation ( SACLEO ) ng mga operatiba ng Intelligence and Warrant Section ng Manila Police District sa Sampaloc, Manila.

Bukod sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), nahaharap din ang ginang sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act (RA 10175) at theft.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Wilson Villareal, commander ng MPD-Sampaloc Police Station 4, ang hindi na pinangalanang suspek ay pang-apat sa listahan ng TMWP. (RENE CRISOSTOMO)

19

Related posts

Leave a Comment