TOP 7 MWP SA CALOOCAN NASAKOTE

SINAKOTE ng Caloocan City Police ang top 7 most wanted person na pinaghahanap dahil sa kasong rape, at 15 taon nang nagtatago, ayon sa pulisya.

Dinamba ng mga awtoridad ang suspek na si Richard Salmorin y Divina, 32, sa Brgy. 178, Camarin, Caloocan City dakong dakong alas-11:30 ng gabi noong Enero 3, 2023.

Dinakip si Salmorin sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez y Briones, ng Family Court Branch 1, Caloocan City, na may petsang Oktubre 24, 2022. Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa kaso ng nasabing suspek. (ALAIN AJERO)

17

Related posts

Leave a Comment