TOP RANKING AFP OFFICER SAPUL SA WATER CANNON NG CHINA

KABILANG ang isang high ranking officer ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga nasugatan sa pagbomba ng tubig ng China Coast Guard gamit ang kanilang mounted water cannon nang tangkain nitong pigilan ang isa sa dalawang private resupply boat na ginamit para sa panibagong resupply mission ng Philippine Navy para sa mga sundalong naka-detail sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Kinumpirma ni Navy Vice Adm. Alberto Carlos, AFP Western Command commander, sakay siya ng Unaizah Mae 4 na binomba ng tubig, at kabilang sa mga nasugatan subalit hindi niya ibinilang ang sarili sa apat na mga tauhang nasugatan nang sumambulat ang mga salamin sa control deck ng barko matapos na tamaan ng water cannon ng CCG 21555.

Nabatid na hindi agad na inihayag na sakay ng Unaizah Mae 4 si VAdm Carlos dahil pinaprayoridad nito ang reaction ng national government higher echelon, hinggil sa panibagong harassment at coercion ng China sa mga tauhan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na nagsasagawa ng routine Rotation and Reprovisioning (RoRe) mission.

Ayon kay Carlos, hindi niya mailalarawan ang pangyayari matapos na maging siya ay personal na naranasan ang pambu-bully ng China.

“Ang ano ko is, ang akin from the tactical, from the operational level, ang concern ko is how to do the RORE, unimpeded RORE so that I can comply with the directive of the president to maintain our presence in 57 ano, so my concern is how to do the unimpeded RORE every month, every time we go out,” aniya.

Inihayag din ng opisyal na kaya siya nakasakay sa Unaizah Mae 1 ay para masubukan ang paggamit nila ng mas malaking barko upang malaman kung sasayad ba ito sa bahura o kakayaning makapasok sa bungad ng Ayungin Shoal.

“Also a concern for me as the operational commander, bukod sa unimpeded RORE, also safe conduct of the RORE na walang damage to property and of course to the safety of our personnel.”

Nilinaw ni Carlos na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang gagawing resupply mission para sa mga sundalong nakatalaga sa Ayungin Shoal at sa iba pang mga isla na binabantayan ng AFP.

“Ang directive sa atin ni president is we will not yield, we will not, we will be undeterred so, and we will not leave Ayungin so the guidance, and that’s not only a guidance but a directive for, consider it already as an order, as a directive from the commander in chief, so kaya o hindi kaya, we will plan and we will adjust our operations accordingly to ensure that a chance of success of delivering our supplies, needed supplies sa Ayungin Shoal.”

(JESSE KABEL RUIZ)

59

Related posts

Leave a Comment