TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkoles upang maging ganap na batas ang “Trabaho Para sa Bayan Act.”
Layon nito na tugunan ang “unemployment, underemployment, at iba pang hamon sa labor market.”
Ang batas ay nakatuon sa pagpapahusay sa “employability at competitiveness” ng mga manggagawang Pilipino para itaas ang kasanayan at muling ituro ang inisyatiba at suportahan ang micro, small, and medium enterprises at industry stakeholders.
Sa ilalim ng batas, ang Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council (TPB-IAC), sa pangunguna ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, ay bubuo ng masterplan para sa “employment generation at recovery” sa Pilipinas.
Tatayong co-chair ng TPB-IAC ang mga Kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) na may kinatawan mula sa ibang ahensiya at iba’t ibang sektor.
Magsasagawa rin ito ng comprehensive analysis ng employment status at labor market sa bansa at titiyakin ang epektibong paggamit ng resources at pinagsama-samang pagsisikap ng pamahalaan.
Tutulungan din ng konseho ang local government units sa “planning, devising, at implementing employment generation and recovery plans and programs” sa kani-kanilang lokalidad, tiyakin na nakalinya ito sa Trabaho Para sa Bayan Plan.
(CHRISTIAN DALE)
