TRAFFIC ENFORCER PATAY SA ALUMINUM VAN

CAVITE – Nalagutan ng hininga ang isang 44-anyos na traffic enforcer nang mabangga ng isang aluminum van habang nagmamando ng trapiko sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon.

Hindi umabot nang buhay sa Pagamutan ng Carmona ang biktimang si Sammy Martillino Osena, may asawa, residente ng Brgy. Milagrosa, Carmona, Cavite.

Kinilala naman ang driver ng Isuzu aluminum van na may plakang CDJ 5745, na si Nelson Amores y Godoy, 67, may asawa, ng Tanauan City, Batangas.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Joel Mendoza ng Carmona Police Station, dakong ala-1:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Governor’s Drive, Brgy. Maduya, Carmona, Cavite.

Minamaneho ni Amores ang kanyang Isuzu aluminum van habang binabagtas ang nasabing lugar subalit pagsapit sa isang palikong bahagi ng kalsada nang hindi nito nakontrol ang kanyang manibela kaya nabangga ang biktima na noon ay nagmamando ng trapiko sa kanang bahagi ng kalsada.

Nadala pa ang biktima sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival dahil sa mga sugat sa katawan. (SIGFRED ADSUARA)

57

Related posts

Leave a Comment