BATANGAS – Bumagsak ang isang trainer aircraft ng Philippine Air Force (PAF) sa Lipa City noong Lunes ng umaga habang nagsasagawa ng standard training flight na nagresulta sa pagkasugat sa dalawang piloto nito.
Ayon sa pahayag ni PAF spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, hindi pa nakalalayo ang naturang SF260FH Marchetti plane sa Fernando Air Base nang magkaroon ng problema sa ere dahil sa malakas na hangin sa Runway 21 ng Air Base na nagresulta sa pagbagsak nito dakong alas-6:43 ng umaga.
Kaagad namang nailigtas ang dalawang piloto ng eroplano at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital. (NILOU DEL CARMEN)
