HINIMOK ng election watchdog na Democracy Watch Philippines ang Commission on Elections (Comelec) na maging transparent sa post-qualification screening ng joint venture ng South Korean firm na Miru Systems Co. Ltd. para sa automated voting system sa susunod na taon.
Ang Miru ay nag-iisang bidder para sa 2025 automated elections system (AES).
Sinabi ng Democracy Watch Philippines, hiniling nito sa Comelec’s Special Bids and Awards Committee (SBAC) na magbigay ng listahan sa mga teknikal na detalye ng kompanya.
Sinabi ng Democracy Watch, nilalayon nito na “tiyakin na ang mga stakeholder ay may sapat na kagamitan upang maunawaan kung paano sinusuri ang lahat ng mga kinakailangan at ideklara na sumusunod o hindi sumusunod.”
Sinabi naman ni Comelec Chairman George Garcia, ang post-qualification evaluation ay patuloy pa rin at “wala pang award” kung sino ang magsasagawa ng automated elections.
Ang Comelec noong nakaraang linggo ay nagsagawa ng ilang pagsubok sa mga ballot box ng Miru, kung saan sinabi ng tagapagsalita nitong si John Rex Laudiangco, na susuriin ang lahat ng parameter at teknikal na detalye para dito.
Sinabi pa ni Laudiangco na ang joint venture ay nakapasa sa lahat ng pagsubok sa ngayon.
(JOCELYN DOMENDEN)
155