TRUCK BAN LARGA NA ULIT SA NAVOTAS

IPATUTUPAD na muli ng Navotas City ang truck ban simula sa Nobyembre 14, 2022.

Ang mga sasakyang may walo o higit pang gulong tulad ng cargo at freight trucks o may kabuuang timbang na 4,500 kilograms, kabilang ang tractor trailers at container haulers, ay ipinagbabawal na tumawid mula M. Naval St., Agora hanggang Bagumbayan-Bangkulasi Bridge at mula C-4 Road patungong Brgy. Tangos North; Gov. Pascual St.; C4 Road, at H. Lopez Boulevard.

Iiral din ang truck ban sa Lunes hanggang Sabado maliban kapag holidays mula alas-6:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-4:00 hanggang alas-8:00 ng gabi habang sa mga oras na libre at pwede at pinapayagan ang mga trak sa itinalagang truck lanes.

“People are back to commuting to and from working now that businesses and various industries are fully operational.  Through the reimplementation of the truck ban, we hope to ease traffic congestion and make the commute less burdensome,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

Ang total truck ban ay ipatutupad din sa kahabaan ng Lapu-lapu Avenue at San Rafael Village, maliban sa mga sasakyang pag-aari ng mga negosyante sa nabanggit na lugar.

Sino mang lalabag ay papatawan ng P5,000 multa at iba pang parusa ayon sa Navotas City Traffic Management Code. (ALAIN AJERO)

24

Related posts

Leave a Comment