TRUCK BUMULUSOK SA BANGIN, 2 PATAY

QUEZON – Patay ang driver at ang negosyanteng binata na may-ari ng isang cargo truck matapos na ang sasakyan ay bumulusok sa bangin sa Brgy. Tanauan, sa bayan ng Real, sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga.

 

Kapwa wala nang buhay nang mahugot mula sa nawasak na sasakyan ang mga biktimang sina Alfonso Castro, 43, taga Baliwag, Bulacan, driver, at Danielle Josh De Leon Cruz, 23, binata, taga Candaba, Pampanga.

 

Batay sa report ng Real Police, dakong alas-8:45 ng umaga, tinatahak ng Hino Aluminum wing van na sinasakyan ng dalawa ang pababang bahagi ng highway nang pagsapit sa kurbada ay nagtuloy-tuloy ito sa walang railing na gilid ng highway.

Subalit dahil sa bigat na kargang agricultural feeds, tuluyang nahulog sa bangin ang truck. Sumabit pa ito sa mga puno bago tuluyang bumagsak sa ilalim.

Wasak na wasak ang truck at naipit ang dalawa sa loob nito.

 

Umabot ng tatlong oras bago nahugot mula sa truck ang mga biktima na isinugod sa ospital subalit kapwa idineklarang dead on arrival. (NILOU DEL CARMEN)

94

Related posts

Leave a Comment