‘TULAK’ PUMALAG PATAY SA PARAK

IDINEKLARANG dead on arrival ang isang 32-anyos na hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang pumalag sa operasyon ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District- Baseco Police Station 13.

Kinilala ang napatay na si Kelvie Panansang alyas “Tago”, tubong Sta. Cruz, Canaman, Camarines Sur, at residente ng Baseco Compound, Port Area, Manila

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, station commander, bandang alas-6:30 ng umaga noong Sabado nang mangyari ang insidente sa pagitan ng kanyang mga tauhan na sina Police Staff Sergeant Joren Malilin, at Police Staff Sergeant Mark Alvin Infante, kapwa nakatalaga sa SDEU.

Nang aktong lalapitan ng mga awtoridad ang target ng operasyon, binunot ng suspek sa kanyang baywang ang 9MM na kalibreng baril at saka pinaputukan ng tatlong beses ang dalawang pulis

Gumanti naman umano ng putok si Ssg. Manalili at isang bala ang tumama kay alyas “Tago”.

Mabilis na isinugod ang suspek sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center subalit idineklara itong dead on arrival ni Dr. Crismelo Puno, attending physician. (RENE CRISOSTOMO)

53

Related posts

Leave a Comment