SWAK sa selda ang target na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kasama ang isang security guard at vendor, sa ikinasang buy-bust operation sa panulukan ng Delpan St. at Claro M. Recto Avenue, Barangay 12, Tondo Manila, noong Sabado ng madaling araw
Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Jorge Meneses III, commander ng Manila Police District- Moriones Police Station 2, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang ilatag ang buy-bust operation sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si alyas “Aye”, 25-anyos, gayundin ang kasama nitong sina alyas “Altazim” na isang vendor, at isang sekyu.
Nakumpiska sa mga suspek ang 30 gramo ng hinihinalang shabu na katumbas ng halagang P204,000.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RENE CRISOSTOMO)
175