TULONG NG DSWD AT DOLE IHIHIRIT PARA SA DISPLACED SUGARCANE WORKERS

NANGAKO si House Speaker Martin Romualdez na personal na ihihingi ng tulong sa mga ahensya ng gobyerno, tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE), ang may 12,000 sugarcane workers na nawalan ng trabaho sa Batangas.

“Kakausapin ko ang mga head ng mga agencies na ito na magbigay ng financial assistance for their livelihood at pang-araw araw na pangangailangan,” ayon kay Romualdez, na mambabatas mula sa Leyte.

Matatandaang ang DSWD ay may ipinamimigay na Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) hanggang P5,000 bawat pamilya habang ang DOLE naman ay may Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced Workers (TUPAD) na umaabot din sa P5,000 bawat manggagawa.

Sinabi ng pinuno ng Kongreso na, “December pa pala sila walang kinikita matapos biglang magsara ang Central Azucarera Don Pedro doon. Kaya kailangang-kailangan na nila ng tulong para sa kanilang mga pamilya.”

Una nang pinasalamatan ni Speaker Romualdez ang mga nasabing magsasaka dahil sa walang kapaguran nilang pagtatrabaho kaya nananatiling steady ang suplay ng pagkain sa bansa.
“Kailangan nating mapabuti ang kalagayan  ng ating mga magsasaka sa tubuhan at matiyak ang sapat na suplay ng asukal sa bansa,” ayon pa sa mambabatas.
“Its high time that we need to help them dahil kailangan nila ng tulong natin. And I promise to personally help them,” aniya pa.

98

Related posts

Leave a Comment