Tumakas sa Albay natunton sa Antipolo WANTED RAPIST ‘DI NILUBAYAN NG PNP-PRO5

0

UMABOT ng hanggang Antipolo City ang pagtugis ng mga tauhan ng PNP Bicol para madakip ang isang wanted rapist ng Oas, Albay upang bigyan ng hustisya ang biktimang may diperensiya sa pag-iisip.

Ayon sa ulat na isinumite kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, ginalugad ng mga operatiba ng Kasurog Bicol ang kinaroroonan ng suspek na si Rolly Olayval y Selos sa Sitio Libis, San Isidro, San Jose, Antipolo City.

Si Olayval ang tinuturong suspek sa panggagahasa sa isang dalagang may diperensiya sa pag-iisip sa Oas, Albay noong taong 2016.

Base sa datos ng Oas PNP, dahil sa kakulangan sa pag-iisip ay

madaling naisagawa ng akusado ang panghahalay at nagbunga ang kahayupan ng suspek sa biktima.

Dakong alas-9:49 ng umaga Septyembre 16, 2021, dinampot ang

suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong qualified rape.

Si Olayval ay tinagurian din bilang top 10 municipal most wanted person ng Oas, Albay.

Kaugnay nito, lalong pinaigting ang kampanya kontra wanted persons upang mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima.

Pinapurihan naman ni P/BGen. Estomo ang mga nanguna sa operasyon na nagresulta sa pagkakadakip suspek. (JESSE KABEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment