TUMAWID NA PASLIT PATAY SA SUV

DEAD on Arrival sa pinagdalhang pagamutan ang isang 4-anyos na babaeng paslit makaraang masagasaan ng isang SUV na Mitsubishi Montero Sport habang tumatawid sa southbound lane ng Adriatico St., sa panulukan ng Quirino Avenue, Malate, Manila, noong Huwebes ng hapon.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng SUV na si Gil Cruzada, 63-anyos, may asawa, retiradong overseas Filipino worker, at residente ng San Isidro, Parañaque City.

Bukod kay Cruzada, posibleng sampahan din ng kaso ang magulang ng paslit dahil sa kapabayaan.

Batay sa ulat ni Police SSgt. Gil Christian Camangon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bandang alas-3:30 ng hapon nang masagasaan ang biktimang si Radzma Upao, residente ng Malate, Manila, sa naturang lugar.

Bigla umanong tumawid ang paslit at natumbok ng SUV na minamaneho ni Cruzada.

Mabilis na isinugod sa Ospital ng Maynila ang biktima subalit dakong alas-3:14 ng hapon ay idineklarang dead on arrival ng attending physician. (RENE CRISOSTOMO)

Related posts

Leave a Comment