UNANG ARAW NG KAMPANYA GENERALLY PEACEFUL – PNP

GENERALLY peaceful ang unang araw ng pangangampanya ng national candidates para sa nalalapit na May 9 presidential and local elections, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Kasabay nito, pinaalalahanan ng pamunuan ng PNP ang mga kandidato at kanilang mga tagasuporta na sumusunod sa inilabas na alintuntunin ng DILG at Comelec hinggil sa maingat na pangangampanya sa gitna ng pandemya.

“I’m sure that all candidates are well aware of the Comelec resolution on campaigning.

We will not look at any political color here, but our role is to enforce the health protocol. Whoever shall violate, will have to face the consequences,” paalala ni PNP chief. General Dionardo Carlos.

Una nang inihayag ng Comelec na payapa ang unang araw ng kampanya kahapon dahil walang naitalang untoward incidents sa mga lugar na pinagdausan ng proclamation rallies. (JESSE KABEL)

112

Related posts

Leave a Comment