Unang COVID-19 oral treatment FABERCO NAG-TURNOVER NG MOLNUPIRAVIR SA MANILA

0

ITINURN-OVER ng Faberco Life Sciences, Inc. noong Martes (Nobyembre 23), ang first batch ng MOLNUPIRAVIR (Molnarz™) sa City of Manila sa seremonyang ginanap sa Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta.

Tinanggap nina Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna, at Doc Willie Ong ang gamot. Ang City of Manila ang unang Local Government Unit na bumili ng MOLNUPIRAVIR (Molnarz™) sa pamamagitan ng Faberco Life Sciences, Inc.

Ang Santa Ana Hospital, sa pamamagitan ng Compassionate Special Permit (CSP) na inisyu ng Philippine Food and Drug Administration, ang recipient/receiving hospital para sa nasabing ‘batch of allotment’ para sa Manila LGU.

Ang Molnupiravir ang unang oral antiviral drug na maaaring makapigil sa mild to moderate cases ng COVID-19 bago pa humantong sa pagiging severe disease na kailangan nang maospital. Ito ay pill na iinumin imbes na ituturok.

Bagama’t hindi pa ‘available commercially’, ang Faberco Life Sciences, Inc. kasama ng RiteMED, ay ipinamamahagi ang MOLNUPIRAVIR (Molnarz™) sa hospitals, medical institutions, at treatment sites sa ilalim ng compassionate use “which allow institutions to procure and distribute products under study, or those awaiting approval for immediate use in emergency situations”.

Ang Faberco Life Sciences Inc. (FLS), ay Philippine biopharmaceutical organization, na nakatuon sa paglalaan ng “innovative, highly niche pharmaceutical products” sa publiko at private health sectors.

Ang Faberco ay naki-partner sa reputable international manufacturers na puntirya ang product platforms at therapeutic categories bilang lunas at pangontra sa mga sakit na itinuturing na public health concern. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment