Unang pamilya pinabayaan DELIVERY MAN INARESTO SA BIGONG SUSTENTO

INARESTO ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District sa bisa ng warrant of arrest, ang isang delivery man dahil sa hindi pagbibigay ng sustento sa una niyang pamilya, sa Sta. Ana, Manila nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si John Raymond Untalan, ng Brgy.775, Zone 84, Sta. Ana, Manila, inaresto sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC).

Batay sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng MPD-DSOU, bandang alas-10:15 ng umaga nitong Martes nang arestuhin ang suspek sa Onyx St., Brgy.767 sa Sta. Ana sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Delight Aissa Salvador, ng Regional Trial Court Branch 29, at inirekomenda na maglagak ng piyansang P24,000 para sa pansamantala niyang kalayaan.

Nag-ugat ang pag-aaresto kay Untalan sa inihaing reklamo ng una nitong asawa dahil sa umano’y pagpapabaya sa una nitong pamilya.  RENE CRISOSTOMO)

31

Related posts

Leave a Comment