US, BRITISH PEDOPHILES ARESTADO NG BI SA CEBU

ARESTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang foreign pedophiles na wanted sa mga awtoridad sa kanilang bansa, dahil sa pagmolestiya ng bata.

Sa pahayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ang dalawang dayuhang pugante na sina John Tomas Minor, 42, American national, at Derek Gordon Heggie, 40, British national, na naaresto sa magkahiwalay na operasyon noong Lunes ng mga operatiba mula sa BI Fugitive Search Unit sa Cebu province.

Naaresto si Minor sa condominium unit sa Cebu Business Park sa Cebu City habang si Heggie ay nasukol sa kanyang residential unit sa Brgy. Guadalupe, Bogo City.

Ito ay nakaraang maglabas ang BI ng mission orders para sa dalawa base sa kahilingan ng US at British authorities, kaugnay sa criminal records nila bilang sex offenders.

(JOCELYN DOMENDEN)

113

Related posts

Leave a Comment