VALENZUELA, BINIGYAN NG TB CARE MEDICAL TOOLS NG USAID

TUMANGGAP ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng medical tools para sa mga may tuberculosis (TB) mula sa United States Agency for International Development (USAID) at Stop TB Partnership.

Ang donasyong medical tool package ay makatutulong sa higit 19,000 pasyente, maging sa sistemang pangkalusugan ng lungsod upang epektibong masuri, matutukan, magamot at maiwasan ang TB.

Kabilang sa ibinigay na medical tools ang 38 portable rapid diagnostic machines, walong ultra-portable chest x-ray machines na maaaring magamit sa labas ng ospital, at Video Observed Treatment (VOT) na kayang mag-monitor ng gamutan ng pasyente gamit ang mobile phones.

Tampok din ang short-course medications para sa pag-iwas sa TB na makatutulong sa abot sa 30,000 indibidwal, kabilang ang mga bata.

Ang Valenzuela ang tanging lungsod sa anim na benepisyaryo ng proyekto.  Ang iba pang benepisyaryo ay ang mga probinsya ng Bataan, Cebu, Laguna, Tarlac, at Cotabato. (ALAIN AJERO)

2

Related posts

Leave a Comment