VALIENTE HALOG DRUG GROUP, 3 PA LAGLAG SA BUY-BUST

CAVITE – Arestado ang isang miyembro ng Valiente Halog drug group na nasa listahan ng High Value Individuals, at tatlong kasamahan nito sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi.

Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Justine Gatchalian y Mahayag, miyembro ng Valiente Halog drug group at nasa listahan ng HVIs; Warren Chavez y De Guzman, Roberto Navales Jr. y Hortilano, at Justine Roileda y Calma.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang Dasmariñas City Police at Cavite PIT RIU4A (Intel Packet) sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang schet ng hinihinalang shabu na P46,240 ang street value, at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

(SIGFRED ADSUARA)

70

Related posts

Leave a Comment