VAN SUMALPOK SA BACKHOE 1 PATAY, 10 SUGATAN

QUEZON – Patay ang driver habang 10 pasahero ang sugatan nang sumalpok ang sinasakyang van ng mga ito sa isang nakaparadang backhoe sa gilid ng kalsada sa bayan ng Agdangan sa lalawigang ito, nitong Linggo ng madaling araw.

Ayon sa report ng Agdangan Police, galing sa Lucena City Grand Central Terminal ang van at maghahatid ng mga pasaherong pauwi sa kanilang mga bayan sa Bondoc Peninsula area sa Quezon, ngunit habang binabagtas ang Barangay Road ng Brgy. Sildora, ay bumangga ang unahan nito sa nakaparadang backhoe na naka-standby para sa road repair project dakong ala-1:55 ng madaling araw.

Sa lakas ng impact, nawasak ang unahan ng van at naipit ang driver nitong kinilala lamang sa pangalang “Alfredo”, 55-anyos.

Nasugatan naman ang mga pasahero nito na papauwi sa kanilang lugar sa mga bayan ng Unisan, Pitogo, Mulanay at Catanauan.

Isinugod ang mga biktima sa Unisan Community Medicare Hospital subalit ang driver ay idineklarang dead on arrival ng doktor.

(NILOU DEL CARMEN)

240

Related posts

Leave a Comment