VARGAS HINDI NATITINAG SA DEATH THREAT

BAGAMA’T nakatanggap ng death threat kamakailan, sinabi ni Konsehal PM Vargas na handa na siyang harapin ang mga hamon ng Kongreso at kumpiyansa siya na ang kanyang karanasan sa konseho ng Quezon City ang isa sa mga rason para rito.

Sinabi ni Vargas na pagtutuunan niya ng pansin ang pagpapalakas sa mga LGU upang matugunan nito ang mga pangangailangan ng mamamayan. Magsusulong din siya ng mga batas na magpapataas ng sweldo ng health workers at pagtaas ng antas at lakas ng serbisyo ng mga pampublikong ospital. “Kailangan tayo mag-focus sa pandemic recovery at mabigyan ng kaukulang armas ang ating frontliners upang makaahon tayo nang sabay-sabay! So importante sa akin ang pandemic preparedness, health services, job generation and social services!”
Chief of Staff na rin si PM Vargas sa opisina ng kanyang mas nakatatandang kapatid na si Rep. Alfred Vargas na patapos na ang ikatlong termino. Kaya naman alam na ng konsehal ang mga regulasyon ukol sa paglikha at pagpasa ng mga batas.

Sa napipintong pagpasok ni Vargas sa Kongreso, handa itong makilahok sa mga usapan sa mga komite kung saan siya mapapabilang. Ang importante ay may synergy at pagkakaisang isip at puso para sa kapakanan ng mamamayan. “Given a chance to lead a committee, i will make sure that the legislation will always be pro people,” ani Vargas.

Sa pamamagitan ni PM Vargas, naitala na 272,388 ang nakatanggap ng Covid relief, lagpas 400,000 ang naging feeding beneficiaries sa Distrito, 21,335 ang natulungan sa livelihood programs, 18,124 ang natulungan sa medical na pangangailangan at nalagyan ng libreng wifi ang 14 barangay halls noong panahon ng pandemya.

Si Vargas ang kasalukuyang nangunguna sa labanan sa District 5 ng Quezon City at nakatanggap na ng endorsements mula sa lahat ng sektor sa Distrito, kasama na ang importanteng basbas ng Iglesia ni Cristo. Ang mga kalaban niya ay si dating Congresswoman Annie Susano, Cathy Inday Esplana at Rose Nono Lin ng Pharmally na humaharap sa mga kaso sa Comelec.

Kumpiyansa si Vargas sa suportang ipinakita ni Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto at iba pang kasamang konsehal.

302

Related posts

Leave a Comment