VENDOR TIMBOG SA PATALIM SA SEMENTERYO

INARESTO ang isang 23-anyos na binata makaraang makumpiskahan ng patalim habang ginugunita ang Undas noong Nobyembre 1 ng umaga sa Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Manila.

Nanlaban pa umano nang arestuhin ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Antonio De Luna, 23, vendor, ng Barangay 372, Manila North Cemetery, Sta. Cruz, Manila.

Batay sa ulat na isinumite ni Police Major Mark Dave Apostol, hepe ng Manila Police District-Blumentritt Police Community Precinct, kay Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng MPD- Sta Cruz Police Station 3, at ground commander ng MNC, bandang alas-8:20 ng umaga nang mamataan ng isang tauhan ng City Hall Security Force na si Ryan Caribou, 43, na armado ng patalim ang suspek habang naglalakad sa Main Street ng MNC.

Bunsod nito, inaresto ng mga awtoridad ang suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code (RPC), direct assault, at paglabag sa RO 864-C (Concealing Deadly Weapon).

(RENE CRISOSTOMO)

195

Related posts

Leave a Comment