VHONG NAVARRO ILILIPAT NA SA BICUTAN JAIL

HINDI tinanggap ng korte ang hiling ng kampo ng aktor na si Vhong Navarro, na manatili ito sa National Bureau of Investigation ( NBI) , kaya nagdesisyong ilipat na ito sa Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

Base sa ulat ng NBI, nakatanggap ang Security Management Section ang NBI ng order mula sa Regional Trial Court Branch 69, na

ilipat ang aktor sa nasabing piitan.

Gayunman, isasailalim muna  si Navarro sa mandatory medical examination, kasama ang RT-PCR test, alinsunod sa health protocol requirements bago ang paglipat sa kanya sa BJMP, Taguig City, ayon pa sa NBI.

Si Navarro ay nakakulong dahil sa isinampang kasong rape laban sa kanya ng model na si Deniece Cornejo na sinasabing hinalay nito.

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang NBI nang tanungin hinggil sa eksaktong araw o petsa ng paglipat kay Navarro sa BJMP. (RENE CRISOSTOMO)

25

Related posts

Leave a Comment