VHONG NAVARRO INILIPAT NA SA BICUTAN JAIL

INILIPAT na sa National Capital Regional Police Office sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ngayong Lunes ng umaga ang aktor na si Vhong Navarro.

Mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) dinala sa BJMP Taguig City Jail – Male Dormitory ang aktor sa utos na rin ng Regional Trial Court Branch 69 noon pang Nov. 14.

Bago dinala sa male dormitory, sumailalim ang aktor sa medical examination tulad ng RT-PCR test, alinsunod sa health protocol requirements.

Ang kaso ng aktor ay kaugnay ng reklamo ng modelong si Deniece Cornejo. (RENE CRISOSTOMO)

26

Related posts

Leave a Comment