VICE MAYOR NG CAGAYAN, 5 PA PATAY SA AMBUSH

PATAY ang umano’y vice mayor ng Aparri, Cagayan at limang iba pa makaraang tambangan ng anim na armadong kalalakihan ang isang Hyundai Starex van na may plakang KOV 881, sa Sitio Kinacao, Baretbet, Nueva Vizcaya.

Batay sa inisyal na impormasyon, iniharang ng armadong kalalakihan na nakasuot ng pixelated PNP uniform at mask, ang barikada sa kalsada at pinaulanan ng bala ang sasakyan ng mga biktima.

Kasalukuyan namang pinoproseso ng Scene of the Crime Operatives o SOCO ang lugar kung saan nakita ang isang ID sa loob ng sasakyan na nakapangalan sa vice mayor ng Aparri, Cagayan na si Rommel Alameda.

Sinisikap naman ng sumulat ng balitang ito na makapanayam ang pamunuan ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO, hinggil sa pangyayari pero walang sumasagot sa kanilang telepono. (RONALD BULA)

140

Related posts

Leave a Comment