VLOGGER INIREKLAMO NG CYBER LIBEL

ISANG vlogger na si Niño Barzaga, alyas “Boy Mura” at iba pa ang inireklamo ng cyber libel sa National Bureau of Investigation (NBI) sa lungsod ng Quezon.

Ayon sa salaysay ng complainant na si Emmanuel Doctor Plaza, isang Filipino Chinese at residente ng Sto. Cristo St., Binondo, Manila, bandang alas-2:00 ng hapon noong Abril 5 nang ipalabas sa social media ni Barzaga na ang mga vendor ay paaalisin na sa Divisoria mall dahil umano’y ibinenta na ito sa halagang P15 bilyon.

Sinabihan din umano ito ni Barzaga na may puwesto naman sa Manila North Cemetery.

Pinaaalis na raw ito sa Divisoria mall at ilang mga vendor na nakapuwesto sa loob ng mall.

Masasakit na salita umano ang natikman ng mga vendor ng naturang mall mula kay Barzaga.

Bunsod nito, noong Abril 8, pormal na naghain ng reklamo si Plaza ng kasong cyber libel at grave threat laban kay Barzaga.

Ayon kay Plaza, masyado itong na-depress habang nasa kanyang puwesto kasama ng iba pang mga vendor dahil sa mga sinasabi ni Barzaga tungkol sa pagbebenta ng Divisoria mall at sila ay paaalisin na.

Ayon sa sa lokal na pamahalaan, maraming stall na pag-aari ni Plaza sa naturang mall.

Sinabi naman ng isang barangay chairman sa lugar na wala pa namang nagpapaalis sa mga vendor sa kanilang puwesto na salungat sa sinabi ni Plaza sa isinagawang press conference na idinaos sa National Press Club sa Intramuros, Manila. (RENE CRISOSTOMO)

353

Related posts

Leave a Comment