VP Sara sa mga kongresista: MARCOS BUSISIIN DIN PAANO GINAGASTA PERA NG BAYAN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

HINAMON ni Vice President Sara Duterte ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na imbestigahan din ang Office of the President kung paano nito ginugol ang kanyang confidential at intelligence fund noong 2023.

Kasunod ito ng ulat ng Commission on Audit (COA) na nangunguna sa paggasta ang tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Duterte, kung pakay talaga ng Kamara sa pagbusisi sa pondo ng kanyang tanggapan ay makabuo ng batas hinggil sa confidential funds dapat ay imbestigahan lahat maging ang tanggapan ni Marcos at hindi tumutok lamang sa kanya.

“If you are in aid of legislation and want to legislate about confidential funds, you do not target one office and terrorize and torment the employees of that office. What you do is you do a sampling, a random sampling of the offices who have confidential funds,” pahayag ni Duterte sa presscon nitong Miyerkoles.

Sa ulat ng COA, top spender ang Office of the President (OP) pagdating sa confidential and intelligence funds noong nakaraang taon.

Gumastos ang OP ng P4.57 billion na confidential at intelligence expenses noong 2023, ayon sa Annual Financial Report ng COA.

“The Office of the President remained to post the highest amount of confidential expenses, maintaining the same level as last year,” ayon pa sa report.

Samantala, hindi tatakbuhan ni VP Sara ang mga kasong ihahain laban sa kanya.

Katunayan, wala umano itong planong lumabas ng bansa sakaling maglabas ng warrant of arrest ang mga otoridad laban sa kanya.

Kaugnay ito sa kamakailan ay pagbabanta niya kina Pangulong Marcos, Unang Ginang Liza at House Speaker Martin Romualdez.

Pinaghahandaan na rin umano niya ang worst-case scenarios lalo na at inaasahang mahaharap ito sa iba’t ibang reklamo bukod sa impeachment.

16

Related posts

Leave a Comment