DAPAT nang tigilan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangako na maibababa niya sa P20 ang kada kilo ng bigas dahil lalo lang niyang nilulubog ang kanyang sarili.
Payo ito ng mga netizens bilang reaksyon sa pahayag ng Pangulo kamakalawa na may tsansa pang matupad niya ang kanyang campaign promise.
Sa isang ambush interview sa Zamboanga City, sinabi ng Pangulo na maaari naman itong matamo sa oras na maging stable na ang agriculture sector at ang halaga ng agricultural production sa bansa.
“May chance lagi ‘yan. Kung maayos natin ang production natin at maging maayos, hindi na tayo masyadong bagyuhin at ‘yung mga tulong na ibinibigay natin sa mga farmer ay magamit na nila,” ayon sa Pangulo.
Aniya pa, madali na para sa gobyerno na gumawa ng kinakailangang adjustments sa oras na maging normal na ang lahat.
Ngunit hindi na niya napabilib ang publiko dahil mababasa sa social media ang samut saring pang-iinis at pagmumura sa hindi maisakatuparang pangako ni Marcos Jr.
Basahin ang ilan sa mga komento ng netizens:
Jesse:
I doubt. So stop. Do not bury yourself deeper in the abyss of ignominy for reiterating your promise that is impossible to fulfil. You knew this for a fact.
B O K E H:
May tinira sa SG, ano kaya? Pahingi naman
Mang Randoy:
Keep dreaming.
DayunyorLBM:
Tantanan mo na!!!
John Rich:
Everything this is possible… the question is… what are they doing to achieve this goal? Ah… let’s leave to “chance”.
Jazed5:
Please stop making promises… kasi yong mga uto-uto mng fantard maniwala n nmn.
Ricky S:
HUWAG NG IPILIT ANG 20 PETOT PER KILO NG BIGAS, HINDI PO YAN MANGYAYARI DAHIL SA TAAS NG PRESYO NG FERTILIZER, KRUDO AT MGA NAGDAANG SAKUNA.
TIGILAN NA AN ILUSYON AT PANGAKO AT WALA NA PONG NANINIWALA! @bongbongmarcos
pastidiyo:
oks lang optimistic, pero sana sound at reality-based.
sang telenobela po yan based dayunyor?
JustGen:
pwede yan kung babayaran nya muna ung 203B.