WALANG PINOY NA NASAKTAN SA THAILAND QUAKE – MECO

WALANG mamamayang Pilipino ang napaulat na nasaktan o kabilang sa nasawi kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Taiwan, Miyerkoles ng umaga.

Sa isang kalatas, sinabi ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na ang lahat ng mga Pilipino at overseas Filipino workers sa isla ay “all accounted for and safe”.

“We are thankful that we have not received reports of any of our kababayans being hurt or badly affected by the powerful earthquake that hit Taiwan this morning,” ayon kay MECO Chairperson Silvestre Bello III.

“Based on our monitoring in Taipei and the reports from our field offices in Taichung and Kaohsiung, and the reports coming from our Filipino communities in Taiwan, there are no Filipino casualties or injuries in the aftermath of the earthquake and the aftershocks,” dagdag na wika nito.

Tinatayang may mahigit 60,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Taiwan, base sa pinakabagong data mula sa Department of Migrant Workers (DMW).

Bagaman walang nasaktang Pinoy, naglatag pa rin ng preemptive protocols para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mga kababayang nasa Taiwan.

Ayon kay Foreign Affairs USec. Eduardo de Vega, ipinaalam sa kanya ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer in Charge Hans Cacdac na mayroong isang gusali sa Hualien ang matinding napinsala at mayroong reports din na maraming nasira na mga istruktura matapos ang malakas na lindol.

Samantala, hindi naiwasang mabahala ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa lagay ng mga OFW sa Taiwan matapos tamaan ng 7.5 magnitude na lindol ang nasabing isla kahapon.

Kasunod nito, umapela si OFW party-list Rep. Marissa Magsino sa MECO na alalayan ang mga kababayan na naapektuhan sa nasabing lindol na nagpatumba ng mga gusali.

Sa kabilang dako, wala pang kasiguraduhan kung magiging batas ang panukalang magkaroon ng bagong building code sa bansa bilang paghahanda sa tinaguriang “the Big One” o malakas na lindol sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Ito ay matapos matulog sa Senado ang “New Philippines Building Code” na unang ipinasa ng Kamara noong Agosto 14, 2023.

Sa ilalim ng nasabing panukala, lahat ng mga gusali na nakatayo ngayon ay isasailalim sa mandatory assessment upang malaman kung kaya nitong tumayo kahit magkaroon ng 7 magnitude na lindol.

Bahagi rin ng panukala na lahat ng mga itatayo pa lamang na gusali, bahay, imprastraktura ay kailangang masiguro na hindi masisira sa 7.2 magnitude na lindol o 250 kilometer per hour na hangin na dala ng bagyo.

Nagdulot ng Takot

Ikinatakot naman ng libong residente sa hilagang Luzon ang epekto ng lindol nang iutos ang preventive evacuation kasunod ng inilabas na Tsunami warning ng Phivolcs.

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na naglabas ng babala sa posibleng pagdaluyong ng malalaking alon sa dalampasigan, ang Pacific Tsunami Warning Center kaya naglabas ng direktiba at kautusan ang Philippine Institutes of Volcanology ang Seismology na agad ilikas sa mataas na lugar ang mga residente mula sa ilang area sa Northern Luzon.

“We received report also from OCDRO 1 that there is an ongoing preemptive evacuation from areas of Pagudpud and Currimao in Ilocos Norte,” ayon sa NDRRMC kahapon ng umaga.

Maging ang Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council ay naglabas ng direktiba sa mga concerned local DRRMC chairpersons na magsagawa ng mabilisang evacuation sa mga coastal.

Ayon sa US Geological Survey, naramdaman ang lindol bago mag-alas 8:00 ng umaga kahapon at may magnitude na 7.4 kaya nagpalabas ng tsunami warnings sa Taiwan, southern Japan at sa Pilipinas partikular sa coastal areas sa Northern Luzon, na maaaring hagupitin ng “high tsunami waves” na may taas na tatlong metro partikular sa Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, at Isabela.

Subalit makalipas ang ilang oras ay kinansela na rin ng Phivolcs ang tsunami warning.

(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD/JESSE KABEL RUIZ)

51

Related posts

Leave a Comment