WALANG TIGIL NA TULONG PARA SA PAENG VICTIMS- ROMUALDEZ

KARAGDAGANG P26 Million ang nakalap na pondo ng tanggapan ni House Speaker, Martin Romualdez para sa mga biktima ng bagyong Paeng na binayo ang halos buong bansa at nag iwan ng pagkasalanta ng pananim ng mga magsasaka, kabuhayan at ilang naitalang nasawi dahil sa landslide.

Sinabi ni Romualdez na simula noong nanawagan ito sa social media ay walang patid ang pagdating ng tulong ng kanyang tanggapan bukod sa cash ay nagpa abot din ng relief goods gaya ng pagkain,kumot at iba pang magagamit ng mga kababayan nating nasalanta ng bagyo.

Ang fund drive ay naging katuwang ni Speaker Romualdez ang kanyang asawa na si House Committee on accounts, Chairperson at Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez at sina Ako Bicol Party-list, Rep. Zaldy Co, Rep. Jose “Mannix” M. Dalipe at iba pang miyembro ng Kongreso.

Sa pakikipag tulongan ni Secretary, Erwin Tulfo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay misyon ng mga ito na ibahagi ang mga relief goods sa kanilang naitalang benipersaryo na makakatanggap ng tulong sa pamahalaan.

Nauna ng tumulak ang ilang truck loads ng relief goods sa mga nasalanta sa Camarines Norte at Tacloban City at sa pakikipag ugnayan sa mga Logal Government Units sa Mindanao upang mahatiran ng agarang tulong. (MYRNA VERE)

17

Related posts

Leave a Comment