WANTED SA CAMNORTE, LAGLAG SA PNP-PRO5

HINDI na nakapalag ang isang lalaki nang dakpin ng mga tauhan ng PNP Regional Office 5 dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, sa Camarines Norte.

Kinilala ang nadakip sa isinagawang manhunt operation ng mga kawani ng Camarines Norte Police Provincial Office, na si Blandino Borjal y Anoñuevo na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 39, Daet, Camarines Norte noong Nobyembre 12, 2021.

Si Borjal ay isang negosyante at residente ng Purok-9, Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ayon sa ulat na isinumite kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, ang akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon.

Nananatiling walang humpay ang operasyon ng pulisya ng Bicol sa pamumuno ni P/BGen. Estomo, upang tugisin ang mga indibidwal na may nagawang paglabag sa batas. Bagama’t alisto at alerto ang mga awtoridad sa pagsasagawa ng operasyon, tiniyak naman nito ang mahigpit na pagsunod sa karapatang pantao lalo na sa mga karapatan ng mga akusado. (JESSE KABEL)

12

Related posts

Leave a Comment