WELDER PATAY SA KATAGAY

PATAY ang isang 44-anyos na welder nang saksakin ng katrabaho sa Valenzuela City.

Pinagkakapehan na ang biktimang si Arnel Dante, habang ibinalibag sa selda ang suspek na si Jeffrey Boco, 35-anyos.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente noong Nobyembre 9 sa Mabini St., Barangay Karuhatan, ng lungsod, kung saan nagtalo Ang dalawa matapos makipag-inuman sa iba pang mga kasamahan.

Naawat naman umano ang dalawa ngunit sinundan ng suspek ang biktima nang matutulog na ito.

Muling nagkaroon ng komosyon at nang puntahan ng iba pang trabahador ang kaguluhan ay bumulaga si Dante na may mga saksak sa leeg, mukha at ulo.

Pagdating ng rescuers ng Valenzuela City Risk Reduction and Management Office ay idineklara nang patay na si Dante habang si Boco ay hinuli ng nagrespondeng mga pulis. (ALAIN AJERO)

33

Related posts

Leave a Comment