NAHAHARAP sa kasong cyber libel ang isang beteranong mamamahayag base na rin sa rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Si Fermin Diaz ay inireklamo sa maraming bilang ng malisyoso at walang basehan umanong artikulo nito na inilabas sa digital news site na Rappler nitong Agosto.
Nag-ugat ang reklamo sa isang artikulo ni Diaz na nagkaroon umano ng sabwatan ang pribadong kumpanya na KPP Powers Commodities, Inc. sa regulatory agencies upang mapabilis ang pagpapalabas ng lisensya at pagbenta ng swine vaccine mula sa Vietnam.
Pinalabas umano ni Diaz na inaprubahan ang pagbili ng bakuna kahit hindi ito mabisa dahil sa koneksyon sa pulitika ng kumpanya.
Iginiit ng NBI na ang alegasyon ni Diaz ay walang basehan at tinawag na fake news.
Si Diaz ay aktibo sa pagsusulat na may kaugnayan sa sektor ng agrikultura at kasalukuyang editor ng isang magazine.
Sinubukan pa umanong itama ng legal counsel ng kumpanya ang isinulat ni Diaz ngunit binalewala nito.
(RUDY SIM)
356