2 ASSOCIATE JUSTICES ITINALAGA NI PBBM SA CA

PINANGALANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang bagong associate justices ng Court of Appeals (CA) at isa para sa Court of Tax Appeals (CTA).

Nito lamang Oktubre 11 ay itinalaga ni Pangulong Marcos sina Selma Alaras at Wilhelmina Jorge-Wagan bilang associate justices ng CA at Corazon Ferrer-Flores bilang associate justice ng CTA.

Ang kopya ng appointment papers ng tatlong associate justices ay isinapubliko, Miyerkoles ng gabi.

Pinalitan nina Alaras at Jorge-Wagan sina dating CA associate justices Gabriel Ingles at Edgardo Camello na kapwa nagretiro na.

Bago mapasama sa CA, si Alaras ay presiding judge sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 62, habang si Jorge-Wagan naman ay presiding judge ng Pasig City RTC Branch 111.

Samantala, pinalitan ni Ferrer-Flores si dating CTA associate justice Juanito Castañeda na umabot na sa mandatory retirement age noong Hunyo 24.

Bago ito, nagsilbi si Ferrer-Flores bilang Supreme Court’s Deputy Clerk of Court at hepe ng Fiscal Management and Budget Office. (CHRISTIAN DALE)

18

Related posts

Leave a Comment