5-MINUTONG TRAVEL TIME TARGET NI PBBM SA CALOOCAN-MANILA

TARGET ng administrasyong Marcos Jr. na gawing limang minuto ang travel time sa pagitan ng Caloocan at Maynila.

Ito’y matapos saksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inagurasyon ng NLEX Connector Caloocan-España Section, nitong Lunes.

“This road project will form an integral part of the Luzon’s spine expressway network which in turn is a component of the Philippine high standard highway network. Once completed this connector shall provide another alternate route that will reduce travel time for our motorists,” ang pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati.

“Nagtitinginan kami kanina noong sinabi Manila-Caloocan will be five minutes. Sa buong buhay natin never pa natin nakita ‘yung five minutes na galing Caloocan hanggang Maynila… baka ‘yung ating pangarap ay matupad na,” dagdag na wika nito.

Tinuran pa ng Chief Executive na mayroong ambag ang connector na mapagaan ang galaw ng cargo at goods mula Hilaga hanggang Timog, vice versa.

Nangako rin ang Pangulo na sa ilalim ng Build Better More program ng kanyang administrasyon, ang gobyerno ay patuloy na magpapatayo ng mas malalaking kalsada at expressways.

“So we will not stop here, we will continue to develop a highly interconnected road network that will facilitate our country’s rapid, inclusive and sustained economic growth,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, hinikayat ng Pangulo ang Department of Transportation na ipagpatuloy ang improvement ng road infrastructure at tapusin ang mga nasabing proyekto sa loob ng inaasahang time frame.

Ang first section ng NLEX Connector ay inaasahang magpapaluwag ng daloy ng trapiko sa España Boulevard, Abad Santos Avenue, Rizal Avenue, at Lacson Avenue at maghahatid ng mas madaling access sa maraming lugar kabilang na sa University Belt.

Makatutulong din ito sa mga motorista mula sa mga heavily congested roads.

“The NLEX Connector is expected to spur economic development as it eases Metro Manila’s traffic congestion, increases productivity, improves logistics, and boosts communities. We continue to focus on our goal of delivering infrastructure that will facilitate a greater connection between the north and the south,” ayon kay MPTC Chairman Pangilinan.

Samantala, ang konstruksyon ng ikalawang bahagi ng NLEX Connector mula España to Sta. Mesa ay ongoing at ito ay nasa 42% progress kung saan aabot hanggang sa 35,000 vehicles daily ang mabibiyayaan ng better access papuntang Manila Ports at airports gaya ng NAIA at Clark. (CHRISTIAN DALE/ELOISA SILVERIO)

146

Related posts

Leave a Comment