‘BAKUNA PUSH’ SA HALIP MANDATORY FACE MASK – PBBM

HINDI pa nakikita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na oras na para ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask, sa kabila ng pagtaas muli ng COVID-19 cases sa bansa.

Sa halip, binanggit ng Pangulo ang pangangailangan na itaas at paigtingin ang vaccination efforts lalo na sa mga kabataan.

“We will have to conduct again, especially for young people, we’ll have to conduct again a vaccination push para mabawasan na ‘yan, para mabawasan ‘yan especially with people being a little bit, shall we say, nahihirapan na nga eh dahil sa init, that brings down…humihina ang katawan and that will make them more vulnerable to COVID again,” ayon sa Pangulo sa isang panayam habang lulan ng PR 001 patungo sa Washington D.C. para sa kanyang 5-day official working doon.

Nauna nang sinabi ni Department of Health (DOH) Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang pagtaas ng positivity rate ay bunsod ng maraming dahilan kabilang na ang galaw ng populasyon kapag holidays at bilang ng mga tao na sumasailalim sa COVID-19 test.

Nagpahayag naman ng pangamba ang Pangulo ukol sa tumataas na bilang ng nagkakaroon ng COVID-19 at nagpahayag ng kumpiyansa na mapangangasiwaan kaagad ng government instrumentalities ang nasabing usapin.

“We might have to think about it… ako ang tinitingnan ko is because although ‘yung rate of increase lumalaki, ang baseline natin na sinimulan eh maliit lang so hopefully we’re still ano… we’re still going to be able to do it,” ayon sa Pangulo. (CHRISTIAN DALE)

150

Related posts

Leave a Comment