ANG matagal nang karanasan ng mga miyembro ng National Unity Party pagdating sa larangan ng pampubliko at pribadong sektor ay magiging malaking tulong para sa bansang patuloy pa ring umaahon sa problemang dulot ng pandemya, ayon kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Sa isang pribadong pagpupulong sa Pasay City, nagpasalamat si Marcos sa NUP sa pag-endorso nito sa kanilang kandidatura ni Inday Sara Duterte.
“The NUP has been constant and if they choose to go down this road, together with UniTeam, together with myself and Sara, then it must be a good thing to do. Your endorsement and support is particularly important,” sabi ni Marcos.
“If we start working together, it’s very an influential decision on the party’s part because people will see very clearly that these are the people that do not jump back and forth” dagdag pa nito.
Para kay Marcos, malaki ang ginagampanang tungkulin ng mga mambabatas sa bawat administrasyon.
“Any administration, any president, any leader, any cabinet is going to need the help certainly of the legislator. We will need the understanding of the legislator on what they are trying to do and why does this things we are trying to do are in fact to the advantage of the ordinary Filipino,” wika niya.
“All of you are very experienced, you all know your parochial interest, you also have a very good idea on national interest. I think you will agree with me that you will have to go to basics and fix the bones and the tendons of the economy so that private sector can build upon it,” aniya.
Ayon sa standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas, nakikita niya ang malaki at epektibong pagtutulungan sa pagitan ng pampubliko at pribadong sektor na mas palalakasin pa ng karanasan pagdating sa pagnenegosyo ng mga miyembro ng NUP.
Dagdag pa niya, ang kaalaman ng mga mambabatas sa kanilang mga nasasakupan ay malaking tulong din upang mas mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.
Sabi ni Marcos, ang nauna ng pag-endorso sa kanya ng Partido Demokratiko Pilipino- Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at iba pang maimpluwensiyang mga partido ay nagpapakitang marami na ang naniniwala sa adhikain na pagkakaisa ng UniTeam.
“We can see the confluence of political forces coming together. Yung aming sinisigaw na pagkakaisa ay mukhang nasimulan na natin and for that I thank you all and I sincerely believe that this is the necessary first step for us to come back and to be better than we were before,” sabi niya.
“I look forward to working with all of you as we have worked together before. I know it will be highly productive, highly important and very useful and very helpful to the lives of each Filipino and for the betterment of the Philippines,” dagdag pa ni Marcos.
62